|
Patuloy hanggang kahapon ang pagkakaloob ng mga bansa at organisasyong pandaigdig pondo at makataong tulong sa disaster relief work ng Tsina at nagpahayag sila ng pakikiramay at pagkatig sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa iba't ibang porma.
Sa kasalukuyan, nagkaloob ang pamahalaan ng E.U. ng 500 libong dolyares na pondo sa Tsina. Dumating na sa Chengdu, punong lunsod ng Sichuan ang mga materyal na panaklolo ng Rusya. Bukod dito, nagkaloob ng tulong sa Tsina ang pamahalaan ng Britanya, Pransya, Hapon, Belgium, Italya, Mexico, Timog Korea, Pakistan, India at iba pang bansa at organisasyong pandaigdig na gaya ng UNICEF.
Kasabay nito, nitong ilang taong nakalipas, ang mga overseas at ethnic Chinese at mag-aaral na Tsino sa bansang dayuhang gaya ng Qatar, Thailand, Kanada, E.U., Australya, Afghanistan, Pilipinas, Mexico at Indonesiya ay nagbibigay kanilang ambag para sa mga mamamayan sa nasalantang purok sa totohanang aktibidad.
Ayon pa sa ulat, magkakasunod na nagpadala ng mensahe kina Pangulong Hu Jintao at Premiyer Wen Jiabao ng Tsina ang mga lider ng Kazakhstan, Georgia, Ukraine, Iran, Turkey at iba pang bansa bilang pagpapahayag ng kanilang pakikiramay sa kalamidad ng Sichuan at ng kanilang pagkatig sa pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa gawaing panaklolo.
Salin: Sissi
|