Pagkatapos ng pagganap ng lindol sa bayang Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina, pangkagipitang umaksyon ang mga may kinalamang departamento para buong sikap na isagawa ang relief work.
Magkakasunod na dumating sa nilindol na purok ng Sichuan ang 5000 armadong pulisiya na ipinadala ng ministri ng seguridad na pampubliko ng Tsina.
Hiniling ng Pambansang Lupon ng Tsina sa Pag-unlad at Reporma ang may kinalamang panig na mabilis na kumpunihin ang mga imprastruktura at panumbalikin ang transportasyon, konryente, komunikasyon at suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.
Hiniling ng Pangkalahatang Administrasyon ng adwana ng Tsina ang iba't ibang organo nito na magkaloob ng ginhawa mga materyal sa relief work, grupong medical at dalubhasa.
Pangkagipitang inilaang-gugulin ng State Nationalities Affairs Commission ang 2 milyong yuan RMB para tulungan ang mga apektadong mamamayan.
Bukod dito,magkakahiwalay na isinagawa ng Supreme People's Court, Supreme People's Procuratorate, Ministri ng Justice, Ministring Panlabas, Ministri ng Industriya at Impormasyon, Ministri ng human resource at social security at iba pa ang plano sa relief work at aktibong inabloy ang mga pondo at bagay para sa sinalantang purok.
Salin: Ernest
|