Hanggang alas-8 ngayong umaga, sa mga nilindol na lugar na tulad ng Wenchuan, Dujiangyan, Beichua, Maoxian ng Lalawigang Sichuan at Longnan ng Lalawigang Gansu, mahigit 5500 taong nalibing sa guho ang nailigtas na ng mga tropang panaklolo ng Tsina. At mahigit 50 libo ang nailipat.
Napag-alamang ngayong araw, ang paghahanap at pagliligtas ng mga nakabaon sa guho ay nananatili pa ring pinakapriyoridad ng gawaing panaklolo. Nakarating na ang mga grupong panaklolo sa lahat ng 58 nasalatang bayan at nayon.
Bukod dito, ligtas na naihatid sa Chengdu ang 33 turistang galing sa Britaniya, E.U. at Pransya mula sa Wolong, Scenic Spot ng Sichuan sa pamamagitan ng military helicopter.
Ipinamamahagi rin ng mga may kinalamang panig sa nasalantang mamamayan ang polyeto na may kinalaman sa kung paano napipigil ang mga nakahahawang sakit na posibleng maganap kasunod ng kalamidad.
Ayon pa sa ulat, nagpadala ngayong madaling araw ang Espesyal na Rehiyong Administratibo ng HongKong ng isang 20 taong grupo papuntang Sichuan para lumahok sa mga gawaing panaklolo.
Pinagtibay ngayong araw ng General Administration of Civil Aviation of China ang paghahatid ng mga relief supplies ng chartered flight ng China Airlines ng Taiwan.
Sinabi ngayong araw ni Qing Gang, tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina na sumang-ayon na ang pamahalaang Tsino na magpadala ang Hapon ng propesyonal na tauhang panaklolo papuntang Sichuan para matulungan ang panig Tsino sa mga gawaing panaklolo.
Salin: Sissi
|