Pagkaraang maganap ang lindol sa bayang Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina, pangkagipitang umaksyon ang mga may kinalamang departamento para buong sikap na isagawa ang disaster relief work.
Magkakasunod na dumating sa nilindol na purok ng Sichuan ang 5000 sundalo at opisyal na ipinadala ng ministri ng seguridad na pampubliko ng Tsina.
Hinihiling ng Pambansang Lupon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina sa may kinalamang panig na mabilis na kumpunihin ang mga imprastruktura at panumbalikin ang transportasyon, koryente, komunikasyon at suplay ng tubig sa lalong madaling panahon.
Hinihiling ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina sa iba't ibang organo nito na magkaloob ng ginhawa sa mga relief supplies, grupong medikal at dalubhasa.
Bukod dito, magkakahiwalay na isinagawa ng Supreme People's Court, Supreme People's Procuratorate, Ministri ng Katarungan, Ministring Panlabas, Ministri ng Industriya at Impormasyon, Ministri ng Human Resource at Social Security at iba pa, ang plano sa disaster relief work at aktibong nag-abuloy ng mga pondo at bagay sa mga purok na kalamidad.
Salin: Ernest
|