|
Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni Gao Qiang, puno ng grupo ng kalusugan at pag-iwas sa sakit ng pangkalahatang kuwartel ng pagsasagawa ng gawaing pagliligtas at gawaing relief ng konseho ng estado ng Tsina, na sa kasalukuyan, walang anumang insidente ng pagpapalaganap ng nakahahawang sakit at iba pang biglaang insidente ng kalusugang pampubliko sa nilindol na purok sa lalawigang SiChuan.
Sa news briefing na idinaos ng tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, sinabi ni Gao na pagkatapos ng pagkaganap ng lindol sa Si Chuan, agarang sinimulan ng Ministri ng kalusugan ng Tsina ang pangkagipitang mekanismong pangkalusugan at pangkagipitang ipinadala ang mga tauhang medikal sa nilindol na purok para buong lakas na isagawa ang paggamot at mga gawaing pangkalusugan.
Salin:Sarah
|