• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-15 18:37:10    
Komunidad ng daigdig, patuloy na nagkakaloob ng tulong sa nilindol na purok ng Tsina

CRI

Pagkaraang maganap ang kalamidad ng lindol sa lalawigang Sichuan ng Tsina, patuloy hanggang ngayong araw ang pagkakaloob ng komunidad ng daigdig ng makataong tulong at pondo sa relief work ng Tsina, at nagpahayag ng pakikiramay at pagkatig sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa pamamagitan ng iba't ibang paraan.

Inulit ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, na sa pagharap sa kalamidad ng lindol, nakahanda ang kaniyang bansa na patuloy na magkaloob ng tulong sa relief work ng Tsina. Ipinahayag ni Yousuf Raza Gilani, Puong Ministro ng Pakistan, ang pakikiramay sa pagkaganap sa Tsina ng grabeng kalamidad ng lindol sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayan nito at ipinahayag pa niya na magkakaloob, hangga't makakaya, ng tulong sa sinalantang purok ng Tsina. Bukod dito, patuloy na ipinahayag ng mga lider ng Kazakhstan, Georgia, Ukraine, Iran, Turkey at iba pang bansa, ang kanilang pakikiramay sa kalamidad ng Sichuan at ang kanilang pagkatig sa pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa gawaing panaklolo.

Salin: Ernest