Patuloy sa pagkakaloob ang komunidad ng daigdig ng tulong sa nilindol na purok ng Tsina.
Ipagkakaloob ng Rusya ang 4 na pangkat ng tulong na materyal na nagkakahalaga ng 4 na milyong dolyares. Ipagkakaloob ng Indya ang tulong na materyal na nagkakahalaga ng 5 milyong dolyares.
Nanawagan sa komunidad ng daigdig ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies na magkaloob ng 19.3 milyong dolyares na tulong na pondo sa Tsina.
Ipagkakaloob naman ng Biyetnam, Singapore, Thailand at mga iba pang bansa at UN Refugee Agency ang mga tulong sa panig Tsino na kinabibilangan ng pondo.
Bukod dito, patuloy na nagpahayag ng pakikiramay sa Tsina ang mga bansa at organisasyong panrehiyon at pandaigdig.
Ipinahayag ng UN ang patuloy na pagbibigay-pansin sa nilindol na purok ng Tsina at kahandaang magkaloob ng tulong sa anumang paraan.
Salin: Andrea
|