Patuloy sa pagtulong sa nilindol na purok ang iba't ibang lugar ng Tsina sa pamamagitan ng maraming paraan.
Nagpadala ang mga lugar ang kani-kanilang grupong panaklolo at medikal sa nilindol na purok at inihatid doon ang mga pagkain, tolda, gamot at iba pa.
Nag-abuloy sa nilindol na purok ang mga mamamayan ng pondo, dugo at iba pang bagay at nagparehistro naman bilang boluntaryong kalahok sa relief works. Ipinahayag naman ng mga pamilya at children's welfare home ng mga lugar na nahakandang tumanggap ng mga ulilang galing sa nilindol na purok.
Ayon pa rin sa estadistika, hanggang kahapon, umabot na sa mahigit 1.3 bilyong yuan RMB ang abuloy na nakolekta mula sa iba't ibang sirkulo ng interyor ng Tsina.
Salin: Ernest
|