Noong alas-8 ngayong umaga, sinimulan ang paghahatid ng sulo ng Beijing Olympic Games sa Nanchang, lunsod sa timog Tsina. Bago ang pagsisimula ng paghahatid, tahimik na nagpugay nang isang minuto ang mga kalahok bilang pakikidalamhati sa mga namatay sa lindol.
Pinaikli sa kalahating araw ang torch relay na ito na nakatakdang tumagal nang isang araw at matatapos ito ngayong tanghali.
Salin: Sissi
|