|
Dumating kaninang umaga ng Nayong Guanzhuang ng Lunsod ng Guangyuan, isa sa mga lugar na pinakagrabeng nasalanta sa lindol ng Tsina ang unang grupo ng 31 propesyonal na tauhang panaklolo ng Hapon. Ito ang kauna-unahang propesyonal na rescue team ng ibang bansa na dumating ng nilindol na purok para sa gawaing panaklolo.
Bukod dito, ang 55-taong rescue team ng Timog Korea, 55-taong rescue team ng Singapore at 50-taong rescue team ng Rusya ay darating naman ngayong hapon ng nilindol na purok.
Nauna rito, ipinahayag ng tagapagsalita ng ministring panlabas ng Tsina na sumang-ayon na ang kanyang bansa na magpadala ang Hapon, Rusya, Timog Korea at Singapore ng mga propesyonal na tauhang panaklolo sa Sichuan para matulungan ang panig Tsino sa mga gawaing panaklolo.
Salin: Sissi
|