Patuloy sa pagkakaloob ang komunidad ng daigdig ng mga pondo at materyal sa Tsina bilang tulong sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok.
Dumating kaninang umaga ng Nayon Guanzhuang ng Lunsod Guangyuan, isa sa mga lugar na pinakagrabeng nasalanta sa lindol ang unang grupo ng 31 propesyonal na tauhang panaklolo ng Hapon. Ito ang kauna-unahang propesyonal na rescue team ng ibang bansa na dumating ng nilindol na purok para sa gawaing panaklolo.
Darating naman ngayong hapon ng nilindol na purok ang mga rescue team ng Rusya, Timog Korea at Singapore.
Inihatid na sa nilindol na purok ang tulong na materyal ng Pakistan.
Nagkaloob ang Thailand ng 500 libong dolyares na tulong na pondo at nagpahayag ng kahandaang patuloy na magkaloob ng kinakailangang tulong.
Magkakaloob ang American Red Cross ng 10 milyong dolyares. Magkakaloob naman ang United Nations Children's Fund ng mga tulong na materyal.
Nanawagan sa komunidad ng daigdig ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies na magkaloob ng 19.3 milyong dolyares na tulong na pondo sa Tsina.
Salin: Andrea
|