|
Nitong ilang araw na nakalipas, ipinahayag ng komunidad ng daigdig ang pagkatig sa pagsisikap ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa gawaing panaklolo ng lindol. Pinapurihan din ng mga organisasyong panrehiyon at pandaigdig ang mabilis at mabisang gawaing panaklolo ng pamahalaang Tsino.
Ipinahayag ni Stephen Martin, dalubhasa ng World Health Organization na mabilis at mabisa ang gawaing panaklolo ng pamahalaang Tsino at ito ay napakahalaga para mabawasan ang panganib ng pagganap ng mga nakahahawang sakit.
Ipinahayag ng opisyal ng Federation of Red Cross and Red Crescent Societies na mabilis ng aksyon ng Tsina pagkaganap ng lindol at mabisa ng gawaing panaklolo.
Ipinahayag naman ni Jean Ping, tagapangulo ng Unyong Aprikano o AU na pinapurihan at kinakatigan ng AU ang isinasagawang gawaing panaklolo ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino.
Salin: Jason
|