Ayon sa estadistika noong alas-4 ngayong hapon, lumampas na sa 21500 ang bilang ng mga namatay sa lindol sa Sichuan ng Tsina. Nasugatan ang 159 na libong tao at nakukulong sa guho ang mahigit 1.4 libong iba pa. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ang iba't ibang gawaing panaklolo.
Pagkatapos ng kanyang 5 araw na pananatili sa nilindol na purok, ipinahayag ngayong hapon si premyer Wen Jiabao ng Tsina na sa harap ng napakalakas na lindol na ito, dapat pakilusin ang puwersa ng buong bansa para ipagpatuloy hanggang sa wakas ang gawaing panaklolo.
Binigyang-diin din niyang batay sa kompiyensa, determinasyon, tiyaga, mabisang pag-oorganisa at pagbubuklod ng mga mamamayan, matatamo ang tagumpay ng gawaing panaklolo.
Salin: Liu Kai
|