|
 Dumating ngayong umaga si Pangulong Hu Jintao ng Tsina ng nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan para kumustahin ang mga apektadong mamamayan at tauhang kalahok sa relief works at patnubayan ang gawaing panaklolo.

Pagkadating, nagpatawag si Hu ng pulong hinggil sa gawaing panaklolo. Tinukoy niya sa pulong na sa kasalukuyan, ang pagliligtas ng mga taong nakukulong sa guho ay pinakamahalagang gawain at kasabay nito, dapat mabuting isagawa ang pagbibigay-lunas sa mga nasugatan, pagpapanumbalik ng mga imprastruktura ng transportasyon, tele-komunikasyon at koryente, paggarantiya sa saligang pamumuhay ng mga apektadong mamamayan at pagpigil sa pagkaganap ng nakahahawang sakit.
Salin: Liu Kai
|