Patuloy ang komunidad ng daigdig sa pagpapatalastas ng pagkakaloob ng tulong na pondo at materyal sa nilindol na purok ng Tsina.
Ipinahayag ng Unyong Europeo at Kyrgyzstan na magpadala ng mga rescue team sa Tsina.
Lubos na pinapurihan ni pangkalahatang kalihim Ban Ki-moon ng UN ang mabilis at mabisang gawaing panaklolo ng pamahalaang Tsino sa nilindol na purok at ipinatalastas niyang magkaloob ang UN ng 7 milyong Dolyares na tulong na pondo sa Tsina.
Ipinatalastas ng Komisyong Europeo na ipagkaloob sa Tsina ang tulong na pondo at materyal na nagkakahalaga ng 2 milyong Euro.
Ipinatalastas naman ng World Bank at Asian Development Bank na magkahiwalay na magkaloob ng 1.5 milyong Dolyares at 1.65 milyong Dolyares. Ipinahayag din nila ang kahandaang ipagkaloob ang pangkagipitang pautang sa Tsina at tulungan ang Tsina sa pagtasa sa kapinsalaan ng lindol at pangangailangan para sa rekonstruksyon.
Patuloy din sa pag-aabuloy ng pondo sa nilindol na purok ang mga overseas at ethnic Chinese, organong pinatatakbo ng pondong Tsino, embahadang Tsino at mga mag-aaral na Tsino sa ibang bansa.
Salin: Liu Kai
|