Dumating kagabi ng Chengdu ang mga mamamahayag ng China Radio International para maisagawa ang panayam sa nilindol na purok.
Sa paliparan ng Chengdu, nakita ng mga mamamahayag ang maraming gurpong panaklolo mula sa iba't ibang lugar ng Tsina.
Sa mga ito ay isang grupo ng mga boluntaryo mula sa Shenzhen sa timog Tsina at bibigyan nila ng mental nursing ang mga bata sa nilindol na purok. Sinabi sa mamamahayag ni Wen Shihong, miyembro ng grupong ito, na,
"Pagkaraan ng lindol, maaaring atakihin ang mentalidad ng mga bata dahil sa pagdanas sa kalamidad o pagpatay ng kanilang kamag-anakan. Kaya nandito kami para makapagbigay ng mental nursing sa kanila."
Salin: Liu Kai
|