Dumating kahapon ng bayang Wenchuan, epicentre ng napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, si pangulong Hu Jintao ng Tsina upang malaman ang kalagayan ng kalamidad at patnubayan ang relief works.
Sa Beichuan Middle School, in-enkorahe ni Hu ang mga sundalo na masikap para mapababa ang kapinsalaang dulot ng kalamidad sa pinakamababang digri. Pumunta rin siya sa mga pagawaan sa lokalidad kung saan grabe ang kapinsalaang dulot ng lindol, nagpasigla siya sa mga mamamayan na kasabay ng pagpapabuti ng relief works, simulaing isagawa ang pagpapanumbalik ng produksyon at rekonstruksyon ng mga bahay-kalakal.
Idinaos kagabi ni Hu ang pulong para pakinggan ang pag-ulat hinggil sa gawaing panaklolo at pag-aralan ang mga gawaing panaklolo sa susunod na hakbang. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni pangulong Hu na sa kasalukuyan, nakapahigpit pa rin ng kalagayan ng relief works at napakahirap ng tungkulin, dapat matatag na isagawa ng mga komite ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at pamahalaan sa iba't ibang antas at kinauukulang departamento ang desisyon at pagdedeploy ng komite sentral ng CPC at gawing pinakamahalaga at pinakapangkagipitang tungkulin sa kasalukuyan ang relief works.
Dumating kaninang umaga si Hu sa lunsod ng Shifang, isa pang nilindol na purok sa lalawigang Sichuan, para malaman ang kalagayan ng kalamidad.
Salin: Vera
|