• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-18 16:01:48    
Mga nilindol na purok sa Sichuan, walang naiulat na nakahahawang epidemiya at biglaang pangyayaring pangkalusugan

CRI

Hanggang kaninang madaling araw, ipinadala na ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina ang 640 tao na grupong pangkalusugan sa mga nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan para isagawa ang gawain ng pagpigil sa pagpapalaganap ng epidemiya, sa kasalukuyan, walang naiulat na malubhang nakahahawang epidemiya at biglaang pangyayaring pangkalusuga't pampubliko sa mga nilindol na purok.

Napag-alaman ng mamamahayag mula sa ministring ito na hanggang kaninang madaling araw, ipinadala na ng ministring ito ang mahigit 5500 tauhang medikal at mahigit 500 ambulansiya sa mga apektadong lugar, at sumasaklaw na sa bawat apektadong bayan at nayon ang medical rescue team. Kasabay nito, pangkagipitang inihahatid ang mga materyal na medikal sa mga nilindol na purok.

Napag-alamang hanggang alas-10 kaninang umaga, ipinadala na ng hukbong Tsino ang 3020 tauhang medikal sa 35 lunsod, bayan at nayon para maisagawa ang paggamot.

Salin: Vera