Sa Shifang, isa sa mga nilindol na pook ng Lalawigang Sichuan, sinabi kahapon si Pangulong Hu Jintao ng Tsina na buong-sikap na tinutulungan ng Pamahalaang Tsino ang mga nabiktima ng lindol na mapanaigan ang kanilang kinakaharap na kahirapan.
Sa kanyang pagbisita sa isang pansamantalang purok-panirahan ng mga biktima, nag-utos ang pangulong Tsino sa mga grupong panaklolo na nakatalaga sa Shifang na iligtas iyong mga nalilibing pa rin sa guho sa pamamagitan ng lahat ng mga magagamit na paraan.
Hiniling din niya sa mga terapyuta na bigayan kaagad ng sikoterapiya ang mga nabiktima.
Hanggang alas-2 kahapon ng hapon, 32,476 kababayang Tsino ang namatay sa lindol at lampas sa 220 libo ang bilang ng mga nasugatan.
|