Pumunta kaninang umaga sa Ministring Panlabas ng Tsina ang mga diplomata ng 80 bansang dayuhan at kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig sa Tsina bilang pakikidalamhati sa mga biktima sa lindol sa Sichuan.
Ipinahayag nila ang pakikiramay sa pamahalaan at mga mamamayang Tsino, pakikidalamhati sa mga biktima sa lindol, paghanga sa napakalaking pagsisikap sa gawaing panaklolo at pananalig na mapagtatagumpayan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino ang lahat ng mga kahirapan at muling itatayo ang tahanan.
Salin: Liu Kai
|