|
Bilang pagpapahayag ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng buong bansa ng kanilang pakikipagdalamhati sa mga nasawi sa napakalakas na lindol sa Sichuan, ipinasiya ng konseho ng estado ng Tsina na maging pambansang araw ng pagdadalamhati mula ika-19 hanggang ika-21 ng kasalukuyang buwan. Sa panahong ito, ihihinto ang aktibidad ng Olympic torch relay sa loob ng Tsina.
Hanggang alas-14 kahapon, 32476 na tao sa Sichuan, Gansu, Shaanxi at iba pang lugar, ang nasawi sa naturang lindol at mahigit 220 libo iba pa ang nasugatan.
Salin: Li Feng
|