Nagdalamhati ngayong araw sa ika-3 pulong ng Porum ng Shanghai Cooperation Organization ang mga kinatawan ng kasaping bansa nito at bansang tagamasid sa pagyao sa mga nasawi sa lindol sa Sichuan at nagpahayag sila na buong tatag na kinakatigan ang relief work ng pamahalaang Tsino.
Binuksan nang araw ring iyon sa Beijing ang pulong na ito. Bago buksan ito, mahigit sandaang kalahok ang nakatayo nang isang minuto sa silent tribute sa mga nasawi sa lindol sa Sichuan. Sinabi ni Vladimir Zakharov, pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng SCO, na ang mismong pagpunta nina Pangulo Hu Jintao at Premyer Wen Jiabao sa sinalantang purok para sa pakikiramay sa mga apektadong mamamayan at mabisang pamamatnubay sa relief work ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa komunidad ng daigdig.
Salin: Ernest
|