|
Ipinasiya ng Konseho ng Estado ng Tsina na mula ngayong araw hanggang samakalawa, nagdadalamhati ang buong Tsina at nasa kalahating tagdan ang pambansang watawat bilang pakikipagdalamhati sa mga nasawi sa napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan. Magkakasunod na iniulat ito ng mga pahayagan ng Hong Kong na gaya ng Wenhuibao, Sing Tao Daily at Hong Kong Commercial Daily at ipinalabas din ng nasabing mga diyaryo ang komentaryo na nagsasabing ang aksyong ito ay nagpapakita ng paggalang ng pamahalaang Tsino at mga mamamayan nito sa buhay at gayundin ng kanilang determinasyon at lakas-loob na maharap ang kalamidad at muling maitayo ang tahanan.
Salin: Ernest
|