Napag-alaman kahapon ng mamamahayag mula sa China Red Cross Society na mula noong ika-15 ng kasalukuyang buwan hanggang sa kasalukuyan, tinanggap nito ang mga abuloy na pondo ng mga bansa.
Ang naturang mga bansa at organisasyong nag-abuloy sa nilindol na purok ng Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina sa pamamagitan ng International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies, ay kinabibilangan ng Red Cross Society ng Estados Unidos na 10 milyong dolyares, Unyong Europeo na 2 milyong Euro, pamahalaan ng Alemanya na 1.5 milyong Euro, pamahalaan ng Ireland na 1 milyong Euro, pamahalaan ng Hapon na 1.7 milyong dolyares, pamahalaan ng Australia na 1 milyong Australian Dollar at iba pa.
Bukod dito, nagbigay naman ng mga abuloy ang mga bansa at organisasyon na gaya ng pamahalaan ng Espanya, Red Cross Society ng Norway, Red Cross Society ng Cambodia at iba pa.
Salin: Ernest
|