• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-20 08:51:40    
Iba't ibang sirkulo ng Tibet, nagdalamhati sa mga nasawi sa lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan

CRI

Noong alas-14:28 kahapon, nasa Potala Palace sa Lhasa, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng Tibet, idinaos ng mga libong mamamayan sa iba't ibang nasyonalidad ng Tibet ang seremonya ng tahimik na pagluluksa bilang pakikipagdalamhati sa mga nasawi sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan.

Pagkaraang maganap ang lindol sa Wenchuan ng Sichuan, idinaos ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng Tibet ang malaking aktibidad ng pag-aabuloy. Kahapon, inihatid sa Sichuan ang kanilang ini-abuloy na relief supplies na nagkakahalaga ng halos 11 milyong yuan RMB. Hanggang kamakalawa, tinanggap ng kawanihan ng mga suliraning sibil ng rehiyong awtonomo ng Tibet ang abuloy na pondo na halos 20 milyong yuan RMB, at ipinagpapatuloy ang mga aktibidad ng pag-aabuloy sa iba't ibang lugar ng Tibet.

Salin: Ernest