Mula noong ika-17 ng kasalukuyang buwan hanggang kahapon, inihatid ng General Administration of Civil Aviation of China ang mahigit 1.3 libong toneladang materyal na medikal na lubos na kinakailangan ng nilindol na purok ng Sichuan para tulungan ang mga purok na kalamidad sa pagsasagawa ng pagpigil sa epidemiya at pagliligtas ng mga nasugatan pagkatapos ng kalamidad.
Ipinahayag ni Li Jiaxiang, Puno ng GACAC, na sa malapit na hinaharap, ihahatid ng Ministri ng Kalusugan ang maraming gamot sa sinalantang purok.
Salin: Ernest
|