Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy na nag-aabuloy ang iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Tsina sa nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan.
Inihatid kahapon ng umaga sa nilindol na purok ang mga kailangan-kailangang bagay sa relief works na binili ng All China Federation of Trade Unions at nagkakahalaga ng mahigit 10 milyong yuan RMB. Hanggang noong alas-4 kahapon ng hapon, nag-abuloy na ng 214 milyong yuan ang mga trade union sa iba't ibang antas at mga manggagawa ng buong bansa.
Hanggang noong alas-5 kahapon ng hapon, nag-abuloy ang China Construction Bank ng 70.26 milyong yuan.
Hanggang kahapon, nag-abuloy ang pamahalaan at iba't ibang sirkulo ng Macao ng mahigit 120 milyong Macau Pataca.
Nag-abuloy naman ng mahigit 40 milyong yuan na pondo at materyal ang mga bahay-kalakal at kababayang Taywanes sa Lalawigang Fujian ng Tsina.
Salin: Ernest
|