• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-20 10:52:52    
Mga lider at mamamayan ng Tsina, tahimik na nagluksa sa mga biktima sa lindol

CRI

Noong alas-14:28 kahapon, tahimik na nagluksa sa mga biktima sa napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina ang mga lider ng Tsina na gaya nina Hu Jintao, Jiang Zemin, Wu Bangguo, Wen Jiabao, Jia Qinglin, Li Changchun, Xi Jinping, Li Keqiang, He Guoqiang at Zhou Yongkang, at mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng Tsina.

Pagkaraan ng normal na seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat ng Tsina kahapon ng umaga, naka-half-mast ang pambansang watawat bilang pakikiramay ng mga mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ng Tsina sa mga biktima.

Sunud-sunod na pumunta kahapon ng umaga sa Ministring Panlabas ng Tsina ang mga embahador ng 80 bansa at kinatawan ng mga organisasyong pandaigdig sa Tsina upang magpahayag ng pakikidalamhati sa mga nasawi.

Sa sandaling panahon, naka-half-mast ang mga watawat sa mga mahalagang lugar ng HongKong na kinabibilangan ng mga organo ng pamahalaan at paaralan. Noong alas-14:28 kahapon, tahimik na nagluksa sa mga nasawi ang mga international rescue team ng Rusya, Timog Korea, Hapon at Singapore na nagsasagawa ng relief work sa mga nilindol na purok ng Lalawigang Sichuan.

Idinaos kahapon ng umaga ng ilang relief personnel at apektadong mamamayan sa Qingchuan County ng Lalawigang Sichuan na grabeng naaapektuhan ng lindol ang seremonya bilang pakikiramay sa mga biktima.

Noong alas-14:28 kahapon, idinaos sa Lhasa ng mga libong mamamayan ng iba't ibang nasyonalidad ang seremonya ng tahimik na pagluluksa bilang pakikiramay sa mga nasawi sa lindol.

Salin: Vera