• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-20 11:10:50    
Mga organong Tsino sa ibang bansa, overseas at ethnic Chinese, nagpahayag ng pakikiramay sa mga biktima sa lindol

CRI

Sunud-sunod na idinaos kahapon ng mga embahada at konsulado ng Tsina sa ibayong dagat, delegasyong Tsino sa mga organisasyong pandaigdig, organong pinatatakbo ng pondong Tsino sa ibayong dagat at mga overseas at ethnic Chinese, ang aktibidad bilang pakikidalamhati sa mga biktima sa napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan.

Mula kahapon ng umaga, magkakasunod na naka-half-mast ang mga watawat sa mga embahada at konsulado ng Tsina sa ibayong dagat, delegasyong Tsino sa mga organisasyong pandaigdig at organong pinatatakbo ng pondong Tsino sa ibayong dagat para maghayag ng pakikiramay sa mga biktima.

Noong alas-14:28 kahapon (Beijing time), tahimik na nagluksa nang 3 minuto sa mga biktima ang mga tauhan ng mga embahada at konsulado ng Tsina sa ibayong dagat, delegasyong Tsino sa mga organisasyong pandaigdig at organong pinatatakbo ng pondong Tsino sa ibayong dagat, mga tropang mapayapa at grupong medikal ng Tsina.

Itinayo ng delegasyong Tsino sa Geneva ang lugar ng pagdadalamhati sa mga biktima.

Kasabay nito, idinaos naman ng mga embahada ng Tsina sa Hilagang Korea, Pakistan, Afghanistan, Iraq, Qatar, Singapore, Thailand at iba pang bansa ang aktibidad ng pagdadalamhati.

Bukod dito, nagdaos ng aktibidad ng pagdadalamhati ang mga embahada at konsulado ng Tsina sa Rusya, Estados Unidos, Holland, Argentina, Pransya, Brazil, Alemanya, Ehipto at iba pang bansa.

Sa Bukavu sa dakong silangan ng Democratic Republic of Congo, tahimik na nagluksa nang 3 minuto sa mga biktima sa lindol ang lahat ng sundalong pamayapa ng engineering at medical team na pamayapa ng Tsina.

Salin: Vera