Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy na ipinagkaloob ng komunidad ng daigdig ang tulong sa nilindol na purok ng Tsina.
Pinarating kagabi sa Chengdu ang unang pangkat ng 16 na toneladang relief materiels na ipinagkaloob ng United Nations Children's Fund. Ang isang eroplano ng Rusya na may dalang mga mobile hospital, tauhang medikal at gamot ay lumisan kagabi ng Moscow papuntang Chengdu.
Ipinasiya ng pamahalaan ng E.U. na ipagkaloob pa ang mga tulong na materyal na nagkakahalaga ng halos 1 milyong dolyares. Ipinasiya ng pamahalaan ng Alemanya na dagdagan sa 1.5 milyong Euro ang tulong sa Tsina. Ipagkakaloob pa ng pamahalaan ng Britanya ang 1 milyong Great Britain Pound na tulong na materyal. Ipinasiya naman ng pamahalaan ng Pakistan na magkaloob ng 10 libong tolda sa Tsina.
Ipinagkaloob din ng mga pandaigdigang organisasyong tulad ng United Nations High Commissioner for Refugees at International Organization for Migration ang tulong na pondo sa Tsina.
Ayon pa sa ulat ng China Red Cross Society, hanggang sa kasalukuyan, tinanggap na nito ang mahigit 20 pangkat ng iniabuloy na pondo mula sa komunidad ng daigdig.
Patuloy sa pagpapahayag ng pakikiramay sa Tsina ang mga bansang dayuhan at pandaigdigang organisasyon.
Salin:Sarah
|