Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa may kinalamang departamento ng Tsina na nagkaloob ang mga bansa na gaya ng Estados Unidos, Rusya at Brazil ng tulong sa nilindol na purok sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan.
Ipinasiya ng pamahalaang Amerikano na dagdagan ang relief supplies na nagkakahalaga ng halos 1 milyong dolyares sa sinalantang purok. Hanggang sa kasalukuyan, ang kabuuang halaga ng mga pondo at bagay sa relief work na ini-abuloy ng pamahalaan ng E.U. at iba't ibang sirkulo nito ay lumampas sa 34 na milyong dolyares.
Dumating kaninang umaga ng Chengdu ng Sichuan ang grupong medikal ng Rusya at sa kaninang hapon, ihahatid pa ng Rusya ang 36 na toneladang makataong tulong na materyal sa Chengdu na kinabibilangan ng 7 toneladang gamot.
Ngayong araw, iniabot sa Ministring Panlabas ng Tsina ng 6 na bansa ng Latin-Amerika na gaya ng Brazil, ang listahan ng mga bagay sa relief work para ipakita ang pakikidalamhati sa mga nasawi sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Sichuan at ang pagkatig sa relief work ng pamahalaang Tsino.
Salin: Ernest
|