Lumisan ngayong araw ng Beijing papuntang nilindol na purok sa Lalawigang Sichuan ng Tsina ang unang grupo ng psychotherapists ng Red Cross Society of China o RCSC. Bibigyan ng grupong ito ng mental nursing ang mga apektadong tao para makahulagpos sila sa epektong saykolohikal na dulot ng lindol. Tuturuan din nila ang mga boluntaryo sa lokalidad na isagawa ang ganitong mental nursing.
Tatagal nang 10 araw ang naturang 19-tao na grupo sa Mianyang, isang lugar na tinutuluyan ng mga apektadong tao ng lindol. Ipapadala bukas ng RCSC ang isa pang 24-tao na ganitong grupo sa Mianyang.
Salin: Vera
|