• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-20 15:58:29    
Mga dayuhang opisyal, nagluksa sa mga biktima sa lindol ng Tsina

CRI

Sunud-sunod na nangagsipunta kamakailan sa mga embahada ng Tsina sa lokalidad ang mga lider at namamahalang tauhan ng kinauukulang organo ng Workers' Party ng Hilagang Korea, ispiker ng Mongolia, punong ministro ng Equatorial Guinea, mga pangulo ng mataas na kapulungan at mababang kapulungan ng Chile, ministrong panlabas ng Cote d'Ivoire, ministrong panlabas ng Lebanon at iba pang mataas na opisyal na dayuhan upang magpahayag ng kani-kanilang pakikidalamhati sa mga nasawi sa lindol.

Sinabi kahapon ng umaga si pangulong Alan Carcia ng Peru na taos-pusong pinapurihan niya ang mabilis at mabisang gawaing panaklolo ng pamahalaang Tsino, at nananalig anya siyang tiyak na mapagtagumpayan ng Tsina ang kahirapang dulot ng kalamidad at matagumpay na idaos ang Beijing Olympic Games.

Naka-half-mast kahapon ang mga watawat sa lahat ng mga organo ng pamahalaan, instalasyong military, organong pulisya ng Peru at mga organong diplomatiko sa ibayong dagat nito bilang pakikiramay sa mga biktima.

Salin: Vera