Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag ng China Radio International o CRI mula sa news briefing na idinaos ng tanggapan ng impormasyon ng konseho ng estado ng Tsina na hanggang alas-2 ng kaninang hapon, inilaan na ng Pamahalaang Tsino sa iba't ibang antas ang 11.727 bilyong yuan RMB sa relief work.
Ayon sa ulat ng Ministri ng mga Suliraning Sibil ng Tsina, hanggang alas-1 kaninang hapon, tinanggap ng buong bansa ang mahigit 13.9 bilyong yuan RMB na pondo at bagay na ini-abuloy ng iba't ibang sirkulo ng lipunan.
Salin: Ernest
|