Ipinahayag dito sa Beijing ngayong araw ni tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na pagkaraang maganap ang napakalakas na lindol sa Wenchuan County ng Lalawigang Sichuan, ang pangungumusta at ibinibigay na tulong ng komunidad ng daigdig ay hindi lamang tulong na materyal, kundi maging suportang moral. Pinasasalamatan anya ito ng pamahalaaan at mga mamamayang Tsino.
Sa kasalukuyan, 166 na bansa at mahigit 30 organisasyong pandaigdig ang nagpahayag na ng pangungumusta sa panig Tsino at naka-half-mast ang mga watawat ng mahigit 100 embahadang dayuhan at tanggapan ng organong pandaigdig sa Tsina. Nagpadala rin sa Tsina ang Hapon, Rusya, Timog Korea at Singapore ng propesyonal na rescue team, at sang-ayon din ang panig Tsino na pumunta sa Tsina ang mga medical team ng Alemanya, Italya, Rusya at Hapon para magbigay ng kailangang tulong sa mga nilindol na lugar.
Salin: Vera
|