Patuloy na nagbibigay-patnubay kahapon sa relief work sa nilindol na purok ng Wenchuan ng lalawigang Sichuan si Li Keqiang, pangalawang Premyer ng Tsina at pangalawang puno ng Kuwartel na Namumuno ng Konseho ng Estado ng Tsina sa relief wok.
Hiniling kahapon ng umaga ni Li na ibayo pang palakasin ang pagpigil sa mga epidemiya pagkatapos ng kalamidad ng lindol. Sinabi niya na ang landas ay nagsisilbing life line ng mga apektadong mamamayan at dapat buong sikap na panatilihin ang maalwang operasyon nito para ipakaloob ang garantiya sa paghahatid ng mga relief supplies.
Salin: Ernest
|