• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-21 10:22:31    
Normal na pamumuhay ng mga bata, matatanda at may kapansanang naulila ng lindol, buong-sikap na iginagarantiya ng Tsina

CRI
Ayon sa Ministri ng Suliraning Sibil ng Tsina, hanggang kahapon, 124 ulila, matatanda at may kapansanan na nawalan ng kapamilya sa napakatinding lindol na naganap sa Sichuan ang nakilala.

Winika ito kahapon sa isang preskon ni Gng. Jiang Li, Pangalawang Puno ng nasabing ministri.

Aniya, napagpasiyahan ng Pamahalaang Tsino na magkaloob sa nasabing mga naulila ng lindol ng tig-600 Yuan RMB o 86 na dolyares na sustento bawat buwan.

Aniya pa, sa kasalukuyan, nailipat na ang nasabing mga naulila sa social welfare centers sa Sichuan na hindi apektado ng lindol. Kaugnay naman ng mga kumpirmadong ulila, inienkorahe ng pamahalaan na ampunin sila ng lipunan. Idinugtong niyang sa katotohanan, nakatanggap na ang kanyang ministri ng maraming inquiry hinggil dito.