Sapul nang maganap ang lindol na may lakas na 8 sa richter scale sa Wenchuan ng lalawigang Sichuan ng Tsina noong ika-12 ng kasalukuyang buwan, kasabay ng pakikiramay sa mga nasawing kababayan sa lindol, ang mga overseas at ethnic Chinese, tagapagtrabaho sa bahay-kalakal na pinatatakbo ng pondong Tsino at mag-aaral na Tsino sa ibayong dagat ay patuloy at aktibong nag-aabuloy ng mga pondo at bagay at nagbibigay sa purok ng kalamidad. Ang kanilang aksyon ay natamo ang pagkatig at tulong ng mga mapagkaibigang personaheng pandaigdig.
Nang alam na kailangan-kailangan ng sinalantang purok ang mga tolda, ginamit ng embahada ng Tsina sa Netherlands, konsuladong heneral nito sa Zurich ang mga abuloy na pondo para bumili ng mga tolda. Ipinahayag ng Swiss International Airline na libreng ihahatid ang naturang mga tolda sa Shanghai sa lalong madaling panahon.
Ginamit kamakailan ng embahada ng Tsina sa Mexico ang abuloy na pondo ng iba't ibang sirkulo ng Mexico, lalo na ng mga overseas at ethnic Chinese doon para bumili ng 886 na tolda na nagkakahalaga ng halos 150 libong dolyares.
Salin: Ernest
|