|
Sa news briefing na idinaos ngayong araw sa Beijing, sinabi ni Chen Deming, Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nagsasagawa ng iba't ibang hakbangin ang kanyang ministri para maisaayos ang pamilihan ng mga nilindol na lugar at ang distribusyon ng mga paninda. Hanggang ngayong umaga, mahigit 17 libong tindahan at pamilihan sa tatlong nilindol na lalawigan na kinabibilangan ng Sichuan, Gansu at Shaanxi ang muling nabuksan.
Salin: Ernest
|