• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-23 11:07:18    
Komunidad ng daigdig, patuloy na ipinagkaloob ang tulong sa nilindol na purok ng Tsina

CRI

Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy ang komunidad ng daigdig sa pagkakaloob ng tulong na pondo at materyal sa nilindol na purok ng Tsina.

Pinarating kahapon ng umaga sa Chengdu ang mga tulong na materyal na muling ipinagkaloob ng USAID o United States Agency for International Development. Pinarating naman kaninang umaga sa Chengdu ang mobile hospital, gamot, kagamitang medikal at sasakyan na iniabuloy ng Alemanya. Bukod dito, pupunta sa lunsod ng Dujiangyan ang isang 11 taong grupong medikal ng Alemanya.

Inihatid kahapon sa Tsina ang mga tolda, damit at iba pang tulong na materyal na iniabuloy ng Turkmenistan at Tadzhikistan.

Ipinasiya ng pamahalaan ng Pakistan na muling magkaloob ng 10 libong tolda sa Tsina at sa gayo'y aabot sa 22260 ang bilang ng mga toldang iniabuloy nito.

Ipinasiya naman ng Nigeria, Indonesiya, Aman, Portugal, Australya, Kanada at iba pang bansa at International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies na magkaloob ng tulong na pondo o materyal sa Tsina.

Bukod dito, aktibo ring nag-aabuloy ng pondo sa nilindol na purok ang mga dayuhang diplomata sa Tsina.

Salin: Sissi