• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2008-05-23 15:43:35    
Napakalakas na lindol, ikinamatay na ng 55239 na tao sa Sichuan

CRI

Sinabi ngayong araw sa news briefing sa Beijing ni Li Chengyun, pangalawang gobernador ng Lalawigang Sichuan ng Tsina na hanggang alas-7 kahapon ng hapon, 55239 na tao sa Sichuan ang namatay sa naganap na napakalakas na lindol, 281066 na tao ang nasugatan at 24949 na iba pa ang nawawala.

Sinabi ni Li na mahigit 140 libong sundalo at halos 50 libong tauhang medikal lahat-lahat ang lumahok sa gawaing panaklolo sa nilindol na purok at iniligtas na ang halos 84 libong tao mula sa guho.

Isinalaysay pa niyang ayon sa di-kompletong estadistika, mahigit 10 milyong pabahay ang nawasak o nasira sa lindol na ito at milyung-milyong tao ang nawalan ng tahanan.

Salin: Vera