|
Ayon sa ulat ngayong araw ng pamunuan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa gawaing panaklolo ng lindol, hanggang alas-12 ngayong umaga, 55740 tao ang nasawi sa napakalakas na lindol sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, mahigit 290 libo ang nasugatan, 24960 iba pa ang nawawala at mahigit 11 milyon ang inilipat.
Hanggang alas-12 ngayong umaga, mahigit 73.9 libong tao lahat-lahat ang binigyang-lunas sa ospital at nananatili pa rin sa ospital ang mahigit 28.3 libo. Lumampas na sa mahigit 86.5 libo ang bilang ng mga tauhang medikal na ipinadala sa nilindol na purok.
Tinanggap na ng Tsina ang mahigit 24.6 bilyong yuan RMB na iniabuloy na pondo at materyal mula sa loob at labas ng bansa.
Hanggang alas-2 ngayong hapon, inilaan na ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ang mahigit 14.6 bilyong yuan RMB na pondong panaklolo.
Salin: Vera
|