|
Ayon sa estadistika ng panig opisyal ng Tsina, hanggang noong alas-12 ngayong umaga, 60560 tao ang nasawi sa napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan ng Tsina, mahigit 350 libo ang nasugatan at 26200 iba pa ang nawawala.
Tinanggap na ng Tsina ang mahigit 26.1 bilyong yuan RMB na iniabuloy na pondo at materyal mula sa loob at labas ng bansa.
Hanggang alas-2 ngayong hapon, inilaan na ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng Tsina ang mahigit 15.1 bilyong yuan RMB na pondong panaklolo.
Salin: Liu Kai
|