|
Ayon sa pagmomornitor ng China National Seismic Network, naganap kahapon ng hapon ang aftershock na may lakas na 6.4 sa richter scale sa Qingchuan County ng Lalawigang Sichuan ng Tsina.
Ikinamatay ang aftershock na ito ng 6 na tao sa iba't ibang apektadong lugar at ikinasugat ng mga 1 libong iba pa.
Napag-alamang itong aftershock ay isang pinakamalakas sapul nang maganap ang lindol na may lakas na 8.0 sa richter scale sa Wenchuan noong ika-12 ng buwang ito.
Ipinahayag ng mga may kinalamang departamento na agarang pumunta na sa nilindol na purok ang mga grupong panaklolo at medikal.
Salin: Ernest
|