Idinaos kahapon sa Yangon ng Myanmar ang ASEAN-UN donors conference para sa bagyo ng Myanmar. Dumalo at nagtalumpati sa pulong si Ministrong Panlabas Yang Jiechi ng Tsina.
Ipinahayag ni Yang na dapat lubos na igalang ng komunidad ng daigdig ang mithiin ng Myanmar at patuloy na ipagkaloob sa Myanmar ang tulong para sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon batay sa pangangailangan ng pamahalaan at mga mamamayan ng Myanmar. Anya, aktibong kinakatigan ng Tsina ang pagpapatingkad ng ASEAN at UN ng konstruktibong papel sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon ng Myanmar at pagpapatingkad naman ng ASEAN ng namumunong papel sa pagkokoordina sa iba't ibang panig sa pagbibigay-tulong sa Myanmar. Binigyang-diin niyang ang gawaing panaklolo at rekonstruksyon ay isyung makatao at hindi sinasang-ayunan ng Tsina na isapulitika ang mga isyung ito.
Ipinatalastas din ni Yang na ipagkakaloob pa ng Tsina sa Myanmar ang 10 milyong dolyares para sa gawaing panaklolo at rekonstruksyon.
Salin: Andrea
|