|

Napag-alaman ngayong araw ng mamamahayag mula sa news briefing ng tanggapan ng impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina na hanggang alas-12 ngayong umaga, 65080 tao ang nasawi sa lindol sa Wenchuan ng Lalawigang Sichuan ng Tsina, nasugatan ang 360 libo at nawawala ang 23150 iba pa.
Hanggang alas-12 kagabi, iniligtas at inilipat ang halos 670 tao lahat-lahat at kabilang dito, 6537 ang iniligtas mula sa guho.
Hanggang alas-2 ngayong hapon, inilaan ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang 16.6 bilyong yuan RMB sa gawaing panaklolo at umabot sa 30.8 bilyong yuan ang kabuuang halaga ng mga iniabuloy na pondo at bagay mula sa loob at labas ng bansa.
Salin: Ernest
|