Patuloy ang komunidad ng daigdig sa pagpapahayag ng pakikiramay at pagkakaloob ng tulong sa nilindol na purok ng Tsina.
Nagpadala ng mensahe si ispiker Prospero Nograles ng mababang kapulungan ng Pilipinas kay tagapangulo Wu Bangguo ng pirmihang lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina bilang pagpapahayag ng pakikiramay. Pumunta rin si Nograles sa embahadang Tsino sa Pilipinas para magluksa sa mga biktima sa lindol.
Napag-alamang hanggang alas-8 kagabi, pumunta na ang mga lider at personahe ng iba't ibang sirkulo ng 156 na bansa sa mga organong diplomatiko ng Tsina sa ibang bansa para magluksa.
Nitong ilang araw na nakalipas, ipinatalastas ng mga pamahalaan ng Senegal, Mali, Vanuatu, Israel, Sweden at iba pang bansa na magkaloob ng tulong na pondo at materyal sa Tsina. Ipinatalastas naman ng Rusya, Kanada at iba pa na magkaloob ng karagdagang tulong sa Tsina.
Salin: Liu Kai
|