|
Ipinahayag ngayong araw sa Beijing ni Yi Xianrong, kilalang ekonomista ng Tsina, na bahagi at pansamantala ang negatibong epekto sa kabuhayang Tsino na dulot ng napakalakas na lindol sa Lalawigang Sichuan at hindi itong makakaapekto sa takbo ng kabuhayan.
Sinabi ni Yi na ang nilindol na purok ay lugar na di-maunlad ang kabuhayan at bagama't malaki ang bilang ng kapinsalaang pangkabuhayan na dulot ng lindol, hindi itong sapat na makakaapekto sa pundasyon ng kabuhayang Tsino kung ihahambing ang bilang na ito sa mas malaking kabuuang bolyum ng kabuhayang Tsino. Anya pa, ang malaking laang-gugulin ng pamahalaang sentral sa rekonstruksyon pagkaraan ng lindol ay posibleng magiging isang mahalagang elemento sa pagpapasulong ng paglaki ng GDP.
Salin: Ernest
|