Lumisan ngayong araw ng Jakarta papuntang nilindol na purok ng Tsina ang isang grupong medikal ng Indonesya.
Ang naturang 20-taong gurpo ay ipinadala ng Ministri ng Kalusugan ng Indonesya at ayon sa pagsasaayos ng pamahalaang Tsino, magsasagawa ito ng dalawang linggong gawaing medikal sa Lalawigang Gansu na naapektuhan din sa naganap na lindol.
Sinabi ng naturang ministri na kung may pangangailangan ang Tsina, magpapadala ito ng ika-2 pangkat ng mga tauhang medikal.
salin:wle
|