|
Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw ng panig opisyal ng Tsina, hanggang alas-12 ngayong umaga, 67183 tao ang nasawi sa lindol sa Lalawigang Sichuan, nasugatan ang mahigit 360 libo, nawawala ang 20790 at naapektuhan ang mahigit 45.6 milyong iba pa.
Hanggang alas-12 ngayong umaga, natanggap ang mahigit 32.7 bilyong yuan RMB na iniabuloy na pondo at bagay mula sa loob at labas ng Tsina.
Ayon pa sa estadistika ng Ministri ng Kalusugan, hanggang ngayong tanghali, lumahok sa gawaing panaklolo ang halos 140 libong tauhang medikal mula sa buong bansa. Sa kasalukuyan, sumasaklaw sa iba't ibang lugar ng nilindol na purok at mga tuluyan ng apektadong tao ang serbisyong medikal, serbisyo ng pagpigil sa epidemiya at materyal na medikal.
Salin: Ernest
|